A TELEPLAY FOLIO: GUHITAN MO ANG ALAPAAP

TITLE: GUHITAN MO ANG ALAPAAP
13 pages script/ Family-Drama type
COLLABORATION SCRIPT. This is the closing narration of our teleplay we created in college. This is an excerpt from the same script I presented here in tumblr. Ako mismo ang gumawa nang closing line sa script namin—-medyo mahaba but the group approved it. Maganda raw sabi nila. Ewan ko sainyong makakabasa. Anyway, bahala na lang kayo ang humusga. To film writers, malamang laitin niyo kasi dahil sa haba at mukha siyang poetic prose hindi iyong standard na dialogue na nararapat para sa isang character na hindi naman talaga isang manunulat sa kuwento kung hindi isang ordinaryo lamang na isang ama. Okay, I gave you the freedom to make a critique. Kahit ako ngayon parang nakikita ko na rin na parang hindi rin kasi kagandahan….but anyway, I’m proud of the content I made….ANG EKSENA: NAWALA ANG PANANAMPALATAYA NI TONENG PERO MULI NIYA ITONG NAHANAP. SA MULI NIYANG PAGBABALIK SA DIYOS, ALAM NIYA NA KUNG SAAN MAHAHANAP ANG MGA HIMALANG HINANAP NIYA NANG MAMATAY ANG ASAWA NIYANG SI EDANG.
A CLOSING NARRATION SCENE
TONENG: (VOICE OVER)
Nagsasayaw na araw, nagluluhang birhen, pagpapagaling sa mga sakit, kagilagilalas na mga bagay – isang uri ng himala. Hindi mandin na ako makakita ng mga ganitong himala, hinding-hindi na muling mabubuwag ang aking pananampalataya. Ang pananampalataya ko ngayon ay mas pinatibay ng kasapatan ng kung ano lamang sa aking sarili ang nakalaan, ng pagmamahal, ng takot sa Diyos, ng isang digmaang isinulong ko sa aking sarili ng sa tama laban sa mali. Isang pananampalataya na ituturing ko ring isang uri ng himala – ang himala ng pagbabago – para sa mga nagmamahal at sa dakilang nagmamahal sa akin sa itaas.
Nagsasayaw na araw, lumuluhang birhen, pagpapagaling ng mga sakit, kagilagilalas na mga bagay – isang uri lamang ng mga himala. Hinding-hindi lamang ito ang siyang magiging sukatan at pamantayan ng aking pananampalataya. Masmarami pa ang himala ang aking tutuklasin. Tingnan ko lamang ang alapaap, tingnan ko lamang ang asul na kalangitan, tingnan ko lamang ang puting mga ulap – ito ang dakilang pagmamahal, ang dakilang Maykapal, ang kanyang presensya - ang pinakadakilang himala sa lahat ng mga himala…..


